MENOR DE EDAD, MINOLESTIYA NG AMAIN

Sa kulungan ang bagsak ng isang amain matapos molestyahin ang kanyang menor-de-edad na stepdaughter sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga kamakailan.

Ang suspek ay 42-taong gulang na lalaki at residente ng San Julian, Tabuk City.

Siya ay naaresto matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa mga awtoridad, ang reklamo ay nag-ugat umano dahil umano sa paghaplos ng suspek ng pribadong bahagi ng katawan menor de edad na biktima habang natutulog ito noong taong 2022 na nagresulta sa psychological trauma sa menor de edad.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Tabuk City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Pansamantala makakalaya ang suspek kung makakapaglagak ito ng P120,000 na inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang kaso.

Facebook Comments