HIGIT 200 COUPLES, SABAY-SABAY IKINASAL SA BAYAN NG TUMAUINI

Nasa kabuuang 228 couples ang sabay-sabay na nagpakasal sa isinagawang kasalang bayan sa Tumauini, Isabela ngayong araw, Disyembre 9, 2022.

Ang mga couples ay nagpalitan ng kanilang mga “I do’s” sa harap ni Mayor Bautista na siya ding nagsilbing solemnizing officer ng kasalang bayan na ginanap kanina sa Tumauini Cultural and Sports Center.

Tinawag na “A Vow for Tomorrow and Beyond,”ang civil mass wedding ay isang programa ni Mayor Venus T. Bautista upang i-validate ang pagsasama ng mga hindi kasal na mag-asawa pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsasama at kalauna’y gawing lehitimo ang civil status ng kanilang mga anak.

Pagkatapos ng wedding ceremony, naghanda din ang lokal na pamahalaan ng banquet para sa mga bagong kasal bilang bahagi ng selebrasyon.

Tumanggap din ang couples ng wedding gift mula kay Mayor Bautista at SB Sharina Lu T. Bautista.

Bukod sa mga pamilya ng mga couples ay dumalo rin sa aktibidad ang mga lokal na opisyal ng bayan na silang nagsilbing mga pangunahing sponsor ng kasal.

Facebook Comments