Cauayan City, Isabela- Maswerteng walang naitalang casualty matapos gumuho ang bahagi ng lupa sa Kinakin Elementary School sa Banaue, Ifugao kahapon ng umaga, March 19,2021.
Ayon sa ulat ng PNP Banaue, nakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa magdamag ang lugar kung kaya’t posibleng ito ang sanhi ng pagguho ng lupa.
Dahil dito, isang sasakyang nakaparada sa harapan ng paaralan ang nahulog sa tinatayang 10-metro lalim ng bangin habang ilan pang sasakyan ang muntikan ng masama sa landslide.
Sa ulat ng pulisya, posibleng lumambot ang lupa na pundasyon ng ginawang retaining wall na dahilan para masira ito at makitaan rin ng bitak.
Nabatid na ilang buwan mula ng matapos ang proyekto ay gumuho rin ito.
Umaapela naman ang mga residente sa agarang aksyon upang maiwasang makapaminsala pa ang gumuhong bahagi ng lupa.
Malaking Bahagi ng Lupa sa isang Eskwelahan, Gumuho
Facebook Comments