Malaking bahagi ng Marawi City, idineklarang ligtas na mula sa banta ng Maute Group

Marawi City, Philippines – Idineklara ng ligtas ng crisis management committee mula sa banta ng Maute Group ang malaking bahagi ng Marawi City.

Pero sa kabila nito, ayon kay assemblyman Zia Alonto Adiong ay dumami naman ang insidente ng pagnanakaw o looting.

Hinala naman ng mga residente, hindi mga magnanakaw ang gumawa nito kundi ang mga miyembro mismo ng teroristang Maute.


Kaugnay nito, inamin naman ng mga residente sa Marawi na halos lahat sa kanilang komunidad ay armado na rin ng mga baril bilang pangdepensa sa posibleng pag-atake ng Maute Group.

At dahil dito, inatasan na ng crisis committee ang local leaders ng Marawi na bumuo ng volunteer’s security team na siyang tutulong na magbantay sa mga komunidad.

Pero nilinaw naman ng komite na hindi papayagang gumamit ng armas ang mga volunteer.
DZXL558

Facebook Comments