Patay sa Resorts World Manila incident, pumalo na sa 38

Manila, Philippines – Pumalo pa sa 38 ang nasawi sa pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Kabilang sa 38 nasawi ang suspek, 22 ay mga guest at 13 empleyado na pawang na-suffocate dahil sa kapal ng usok habang nasa 78 pang sugatan.

Nabatid na ang mga bangkay ay natagpuan sa ikalawa at ikatlong palapag ng resorts.


Samantala, nanawagan naman si national Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa publiko na huwag mag-panic at maging kalmado lamang.

Bukod dito, umapila rin siya sa publiko lalo na sa mga netizen na huwag magbigay ng mga pekeng impormasyon na nagiging sanhi ng tensiyon.
DZXL558

Facebook Comments