Malaking Chess Tournament sa Angadanan, Isabela – Malapit Na!

Angadanan, Isabela – Handang-handa na ang Angadanan, Isabela sa malakihang chess tournament na gaganapin sa naturang bayan sa darating na araw ng Sabado at Linggo, Diyembre 16 at 17, 2017.

Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian na siya ring pinuno ng Vice Mayor’s League ng isabela ay ‘ready to go” na ang kauna-unahang malakihang torneo ng chess sa probinsiya.

Sinabi pa ng vice mayor na dahil maraming sasali sa torneo ay uugnay siya sa mga nagmamay-ari ng mga hotel at inn sa karatig lugar para sa posibleng diskuwento para sa mga kalahok na magmumula sa malayong probinsiya.


Ang paggaganapan ng torneo at mga gagamiting galing pa sa Metro Manila ay handang-handa na rin para sa naturang torneo.

Ang torneong ito na kung saan ay kasama ang RMN Cauayan sa mga gumawa ng koordinasyon at paghahanda ay malalaki at marami ang mga premyong naka-abang.

Ang pangunahin premyo sa torneong ito na papatnubayan ng National Chess Federation of the Philippines o NCFP ay nagkakahalaga ng P 40, 000.00 at may hiwalay ding premyo para sa mga kiddies participants na nagkaka edad ng 13 pababa.

Maliban dito ay may premyo din sa mga top 3 sa ibat ibang rating at age group na tiyak na makapagpapakalat ng mga cash prizes sa mga kalahok na angat ang kanilang laro.

Ang Vice Mayor’s League ng Isabela Chess Tournament ay may suporta din, ayon kay Vice Mayor Siquian, mula kina Senador Manny Pacquiao at Aquilino Pimentel.

May mga lokal din na suporta mula kay Isabela 2nd District Congressman Ana Go, Cauayan Mayor Bernard Dy at ang LGU ng Angadanan, Isabela na pinamumunuan ni Mayor Lourdes Panganiban.

Nagpapasalamat din si Vice Mayor Siquian sa RMN Cauayan sa ginawa nitong kontribusyon sa paparating na chess tournament.

Facebook Comments