Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senate President Koko Pimentel si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga puna sa malaking nagastos nito sa kanyang pitong byahe sa labas ng bansa.
Ayon kay Pimentel, mas mahal talagang magbyahe ngayon at hindi rin ang laki ng gastos ang dapat tignan kundi ang balik nito para sa ating bansa.
Halimbawa aniya nito ang pagtaas ng 11 percent ng tourist arrival at ang respetong ibinibigay ngayon ng world leaders kay Pangulong Duterte, at sa ating bansa na pabor sa mga Overseas Filipino Workers.
Ipinaliwanag ni Pimentel na bilang Chairman ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN ay obligado si Pangulong Duterte na magtungo sa iba’t ibang bansa.
Dagdag pa ni Pimentel, hindi na dapat pagusapan ang isyu ng pagkakaroon ng Pangulo ng malaking bilang ng delegasyon sa abroad matapos nitong sabihin na ayaw na niyang magbyahe pa.
“I think mahal talagang magbyahe ngayon. Napakamahal. Let us look at the returns of the trips then. And even if wala ng return, we should understand that we are the ASEAN chair, the President had to make all of these trips. Maganda nga ang returns. Ngayon pa lang 11% up na ang up ng tourists sa ating bansa. And then the respect of the world leaders for President Duterte and for the Philippines, I think if you ask out OFWs if they feel that the respect for Filipinos abroad has increased, this is sufficient enough return.- Senator Pimentel”