MALAKING KAWALAN | Pagbibitiw ni dating NAPC Sec. Liza Maza, pinanghinayangan ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Malaking kawalan umano sa pamahalaan ang pagbibitiw ni National Anti-Poverty Commission Sec. Liza Maza.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, minsan nang tinangkang alisin noon sa pwesto si Maza pero pinilit pa rin nitong makapagsilbi sa ilalim ng Duterte administration.

Malaki naman ang panghihinayang ni de Jesus dahil si Maza na lamang sana ang natitirang pag-asa ng progressive politics na lalaban sa karapatan ng mga maralita.


Naniniwala naman si Gabriela Rep. Arlene Brosas na mabigat ang mensaheng iniiwan ni Maza sa pagbibitiw nito sa kanyang pwesto.

Asahan na rin na makakasama na nila si Maza sa mga pagkilos laban sa mga polisiyang ipinapatupad ng pamahalaan.

Samantala, hindi naman na nagulat si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa pagre-resign ni Maza dahil inabandona na ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ipinangako nitong reporma kabilang na ang pagpapatuloy ng negosasyon sa mga rebeldeng komunista.

Maliban dito, nakasama din sa sitwasyon ay nang hayaan ng Pangulo na buhayin ang kasong double murder case laban kina Maza, dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño at Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Facebook Comments