Malaking malll malapit na umpisahang itayo sa lungsod

Nanawagan si Barangay RH-2 chairman Christopher Anthony Boyboy Coraza sa mga residente ng purok Jasmin at purok Katahimikan na hanggang sa June 18 na lang ang inilaan araw para bakantihin nila ang kanilang lugar, itoy dahil sa June 20 gagawin na ang groundbreaking ng itatayong KCC Mall. Sinabi ni Chairman Coraza, na dahan dahan naring sinisira ng mga residente ang kanilang bahay para magamit pa nila ang mga kahoy, at pwedeng makapagtayo ng tahanan sa relocation area sa Tamontaka dos.Bagamat meron mangilan ngilan na nagmamatigas na umalis ay umapela na si Coraza na huwag ng magmatigas dahil mahabang palungit na ang ibinigay at may relocation na sa mahigit dalawang daang pamilya.

Facebook Comments