Malaking Pabuya ilalaan ng lokal na pamahalaan ng Pagadian at lalawigan ng Zamboanga del sur sa Pagpatay sa opisyal ng Deped

Pagadian City, Zamboanga del sur—–Maglalaan ng malaking pabuya ang local na pamahalaan ng Lungsod ng Pagadian at lalawigan ng Zamboanga del sur sa sinumang makapagtuturo sa salarin na pumatay kay Deped Pagadian School Division Superintedent Marcom Borongan.
Ayon kay Pagadian City Mayor Romeo “Tata” Pulmones magpapatawag muna siya ng isang mahalagang meeting kasama ang ibang mga opisyal ng lungsod upang kanilang mapag-usapan kung magkano ang kanilang ilalaan bilang pabuya upang mapabilis ang patulas ng kaso ni Borongan.
Sinabi rin ni Zamboanga del Sur Provincial Governor Antonio H. Cerilles na hahanap din ng pundo ang Provincial Peace and Order Council upang ilaan sa pagtulas sa kaso.
Malakinng kawalan din umano ang pagkawala ni Borongan sa Department of Education dahil sa ipinakitang husay sa pagpapaunlad ng departamento kung saan Hunyo 5 palang may kautosan na si Secretary Briones ng Deped na ilipat si Borongan mula sa Lungsod ng Pagadian sa malaking katungkulan sa probensiya.
Hanggang sa ngayon wala pa ring suspek na naipresinta ang otoridad na nasa likod sa pagpatay kay Borongan habang inaasahan na ngayong araw din magpapalabas ng isang taskgroup ang Pagadian City Police Station upang mabigyan ng prayoridad ang pagpatay sa opisyal ng deped na dinala na ngayon sa Gamalenda Funeral Homes. (DXPR News Responds Team)
Tags : DZXL, DZXL558, RMN-DXPR Pagadian 603, PNP Pagadian,

Facebook Comments