Malaking pagsabog sa bulkang Taal, posible pa rin; panibagong magma, namonitor ng Phivolcs

Mayroon pa ring 30 porsyento ang posibilidad na magkaroon ng malaking pagsabog ang bulkang Taal.

 

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Officer-In-Charge Undersecretary Renato Solidum – batay ito sa ipinapakitang iba’t ibang parameter at record ng aktibidad ng bulkan.

 

Aniya, nananatili rin ang panganib ng base surge sa loob ng 14-kilometer radius mula sa main crater ng bulkan.


 

Kasabay nito, kinumpirma ni Solidum na bagamat humina ang aktibidad ng bulkan, mayroon naman silang namonitor na panibagong magma na kumikilos sa ilalim nito.

Facebook Comments