Malaking Rally Isinagawa sa Surigao City sa ika-45 na Annibersaryo ng Martial Law Sinimulan na ang malaking rally dito sa Surigao City sa ika-45 annibersaryo ng Martial Law. Umabot sa 2,000 na mga rallyista na kinabibilangan ng mga magsasaka, manggagawa, mag-aaral, sektor sa simbahan at iba pa ang sumali, bitbit ang iba’t ibang plakards ipinaabot nila ang pagkadismaya sa deklarasyon ng Martial Law. Nagsimula ang martsa-rally sa may Pier Area, Bilang-Bilang at IFI Church sa Km. 2 National Highway hanggang sa may Luneta Park na kung saan isang programa ang isasagawa. Ang mga nagwelgang miyembro ng Surigao Dockworkers Union ang sumali rin sa protesta. Ayon naman kay Edgar Canda ng BayanMuna, ang isinagawa nilang protesta ngayon hindi lamang noong ideklara ni dating Pres.Ferdinand Marcos ang Martial Law kung hindi kagaya rin sa nangyayari ngayon na kung saan may Martial Law sa Mindanao at ang maraming namamatay sa kampanya sa illegal na droga ni Incumbent Pres. Rodrigo Duterte. Dagdag pa nito, ang mga nakibahagi sa rally hindi lamang dito sa Surigao City kasama rin ang nagmumula sa Siargao at Dinagat Province.
Malaking Rally Isinagawa sa Surigao City sa ika-45 na Annibersaryo ng Martial Law
Facebook Comments