Malaking Sanga ng Pambansang Sentenaryong Puno ng Pilipinas, Nabali!

Laking gulat na lamang ng mga taga Magallanes, Agusan del Del Norte ng makita ang biglang pagkabali ng tinaguriang “Pambansang Sentenaryong Puno ng Pilipinas na may pangkaraniwang pangalan na Bitaog.”

Kaninang umaga, kaalis lang ng mga kasapi ng PNP na nagcheckpoint sa tapat ng malaking puno ng Bitaog ng bila na lang nabali ang malaking sanga ng naturang puno dahilan sa matinding traffic kanina sa Brgy. Caloc-an bayan ng Magallanes.

Matandaan na ang puno ng Bitaog sa lugar na may siyentipikong pangalan na “Calophyllum inophyllum” ang naideklarang “Philippine Centennial Tree” noong Hunyo 3, 1998 ng Philippine Centennial Commission.


Ang nasabing puno ay mahigit na sa limang daang taon na kinilalang pinakamatandang puno sa Pilipinas.

Facebook Comments