Malalakas na Kalibre ng mga Baril at Bala, Nasamsam ng mga Otoridad sa Quezon Isabela!

Quezon, Isabela – Arestado ang tatlong suspek sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad dahil sa paglabag sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Quezon Isabela, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na si Joel Abenoja, apatnapung taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng barangay Callanguigan Quezon, Isabela; Arcenio Antonio at Bacuyag Cawas, pawang residente ng Balani, Bulanao, Tabuk City.

Magkasabay na ikinasa ng pinagsanib pwersa ng CIDG Region 2, Isabela PPO, Quezon MPS at Kalinga PPO sa magkahiwalay na implementasyon ng search warrant partikular sa barangay Callangigan at barangay Estrada, Quezon, Isabela.


Nagresulta ito ng pagkakakumpiska ng isang granada na mula kay Abenoja habang narekober ang isang M16 Coltar riffle na may mga bala, M14 US Riffle Springfield na may walong magazines na may kargadong bala, dalawang improvised shot gun at iba pang military paraphernalia mula kina Bacuyag at Cawas.

Nasa kustodiya na ng CIDG Ilagan ang mga suspek para sa kaukulang kaso ng mga ito samantalang kinunsidera ng PRO2 na isang matagumpay na operasyon ito sa ilalim ng Paglalansag Omega sa nasabing lugar.

Facebook Comments