MANILA – Pinasisiyasat pa ng husto ng Mababang Kapulungan ang malalim na papel ni Senator Leila De Lima sa NBP drug trade.Isa sa rekomendasyon ng House Committee on Justice ay imbestigahan pa ng Department of Justice o DOJ ang koneksyon ni De Lima sa kalakalan ng droga sa kulungan.Nakasaad sa 17 pahinang committee report ng komite na lumala ang kalakalan ng iligal na droga sa bilibid sa ilalim ng pamamahala ni De Lima noong kalihim pa ng DOJ.Sa natapos ding imbestigasyon ng komite, itinuturo ang pagkakasangkot ni De Lima partikular na ang pagtanggap nito ng drug money para sa kampanya nitong 2016 election.Ipinauubaya ng Kamara sa DOJ ang patuloy pang pagkuha ng impormasyon sa involvement ni De Lima at para makuhaan na rin ng panig ang senadora matapos na tumangging humarap sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan.Wala namang opisyal na rekomendasyon ang Kamara para kasuhan si De Lima pero ang pagsasampa ng kaso dito ay ipinauubaya na nila sa Ombudsman o sa DOJ.Kasama din sa ibang pinaiimbestigahan sa DOJ sina dating Bucor Dir. Franklin Bucayu, NBI Deputy Director at dating Bucor OIC Rafael Ragos, dating driver ni De Lima na si Ronnie Dayan pati na ang iba pang Bucor at Nbp officials kasama maging ang mga jailguards.Sa aspeto naman ng legislative measures, inirekomenda ng komite ang pagbabalik ng death penalty para sa drug cases, pag-exempt sa drug inmates sa anti-wiretapping law, bank secrecy law at anti-money laundering act.
Malalimang Imbestigasyon Sa Papel Ni Sen. Leila De Lima Sa Nbp Drug Trade, Ipinauubaya Na Ng Kamara Sa Department Of Jus
Facebook Comments