MANILA – Pinagpapaliwanag na ng Department of Energy (DOE) ang pamunuan ng mga power generators matapos ang malawakang power interruption sa Luzon, kahapon.Ayon kay DOE Usec. Wimpy Fuentebella – labinlimang (15) porsyento ng kuryente ang nawala sa Luzon kaya nagkaroon ng interruption.Base sa imbestigasyon ng DOE, mula sa anim umabot na sa walo ang plantang nagka-problema kagabi.Kabilang sa mga pumalyang planta ang Sta. Rita, San Lorenzo, San Roque, QPPL, San Gabriel, GN Power, Limay-A at Bacman.Dagdag pa ni Fuentebella, inaalam na nila kung may kapabayaan o force majeure ang naging dahilan ng pagbagsak ng mga planta.Kasabay nito, tiniyak naman ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na may sapat na suplay ng kuryente ngayong Kapaskuhan.
Malawakang Brown-Out Sa Luzon Kagabi, Pina-Iimbestigahan Na Ng Department Of Energy
Facebook Comments