Cauayan City, Isabela-Nagsasagawa ngayon ng malawakang contact tracing ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan matapos matukoy na may local transmission sa Tuguegarao City.
Ayon kay Dr. Carlos Cortina III, OIC Provincial Health Officer, ito ay upang mabilis ang pagtukoy sa mga posibleng nakasalamuha ng mga huling naitala na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod particular sa barangay ng Cataggaman Viejo at Ugac Norte.
Matatandaang nagpositibo sa virus ang isang babae na Non-uniformed Personnel na tauhan ng PNP Tuguegao City kung saan tinatayang nasa 20 katao ang nakasalamuha nito kabilang ang pamilya at kaanak ng kanyang mister.
Una nang isinailalim sa ‘zoning containment strategy’ ang nabanggit na himpilan ng pulisya at dalawang pang barangay.
Tinitingnan ngayon kung may exposure ang mag-asawa sa bayan ng Enrile sa kabila na wala silang travel history.
Umaasa naman ang si Cortina na mismong mga nakasalamuha na ng mga nagpositibo ang magsadya sa mga kinauukulang ahensya upang makontrol ang pagkalat ng sakit na COVID-19.