Malawakang food holiday, ikinakasa ng mga grupong magsasaka

Pinagpaplanuhan na ng mga iba’t ibang klaseng magsasaka ang posibilidad na pagkakaroon ng food holiday sa bansa.

Ayon kay National Chairman ng Pork Producer Federation of the Philippines Nicanor Briones, ang naturang hakbang ay bunsod na rin ng sinasabing hindi pagpansin sa kanilang mga hinaing ng Department of Agriculture (DA).

Paliwanag ni Briones na ang food holiday ay kinabibilangan ng mga magsasaka ng gulay, bigas, magmamanok, magbababoy at iba pa.


Matatandaang una nang nagkaroon ng pork holiday sa Metro Manila bunsod naman ng pagkakaroon ng price ceiling sa mga palengke.

Ilan sa panawagan ng grupo ni Briones ay ang pag-recall sa Executive Order 128 at ang pagbabayad ng 10 libong piso sa bawat baboy na mabibiktima ng African Swine Fever.

Facebook Comments