Pagbabayad ng hospital claims, pinabilis ng PhilHealth

27

Ipapatupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) na layong pabilisin ang reimbursement ng mga bayarin sa mga partner-hospital nito.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, ito ay para agad na mabayaran ang 60% ng kabuuang ₱7.01 billion na hospital claims sa NCR Plus area.


Ang nasabing method ay maaaring i-avail ng lahat ng PhilHealth-accredited hospitals sa NCR Plus bubble at maging ng mga ospital sa Pampanga at Batangas na gumagamot ng COVID-19 patients.

As of April 29, 2021, nakapagbayad na ang PhilHealth ng ₱5.14 billion sa 114 health care facilities sa ilalim ng DCPM.

Facebook Comments