Manila, Philippines – Nagbabala ang grupo ng taxi drivers ng malawakang kilos protesta para ipatigil ang operasyon ng uber at grab.
Giit ni Gerry Donesa, Vice President ng grupong Drivers Unite for Mass Progress and Equal Right o DUMPER, apektado na ang kanilang kita at nakakasikip na sa mga kalye ang mga sasakyan ng uber at grab.
Paliwanag naman ni Brian Cu, Country Manager ng grab, hindi sila ang sanhi ng traffic sa Metro Manila dahil gumagamit sila ng teknolihiya para makadaan sa mga kalsadang hindi mabigat ang daloy ng mga sasakyan.
Bukod rito, hindi rin aniya totoong hindi sila nagbabayd ng tamang buwis.
Ayon naman kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ilang hakbang na ang kanilang ginawa para maregulate ang operasyon ng uber at grab.
Sa katunayan aniya ay sinuspendi nila ang pagproseso ng karagdagang sasakyan ng uber at grab.
Maliban rito, nilimitan rin aniya nila ang surge rate ng uber at grab lalo na tuwing rush hour.
Facebook Comments