MANILA – Matapos ang matagumpay na “black friday” protest.Muling nagtipun-tipon, kahapon sa EDSA people power monument ang biktima ng martial law, mga kabataan at ibat-ibang grupo na tutol sa palihim na paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Inabot na ng hatinggabi ang mga nagkilos protesta.Bitbit nila ang mga placards na may mga nakasulat na kontra-Marcos.Ilan sa mga raliyista ay nanggaling pa sa Mendiola, EDSA Shrine at mayroon ding mula pa sa probinsya.Nagkaroon din ng programa kung saan nagperform ang ilang banda habang ilang personalidad din ang nagbahagi ng kanilang karanasan noong martial law.Ayon sa Quezon City Police District, umabot sa 3,000 ang bilang ng mga dumalo sa pagtitipon.Sa kabuuan sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokersperson C/Insp. Kim Molitas, na naging mapayapa ang kilos protesta.
Malawakang Kilos Protesta Laban Sa Marcos Burial, Naging Mapayapa
Facebook Comments