Nagbanta ang mga labor group na magsasagawa sila ng nationwide na kilos protesta.
Ito’y matapos nilang ikadismaya ang naudlot na pagpapalabas ng Department Order (DO) ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pumupigil sa kontraktwalisasyon.
Ayon kay Nagkaisa Chairman Michael Mendoza, hindi katanggap-tanggap ang draft ng nasabing Department Order dahil wala namang nabago rito.
Aniya, ginagawa lang itong legal at naglatag pa ng regulasyon para sa manpower agencies.
Salungat aniya ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakipagpulong siya sa mga manggagawa.
Paliwanag naman ni DOLE Sec. Silvestre Bello III, nakahanda na ang DO pero humingi ng dagdag na araw ang mga employer para makausap ang grupo ng mga manggagawa.
Giit naman ni Judy Ann Miranda, Secretary General ng partidong Mangagagwa, tila naghahamon) ng gulo ang DOLE laban sa mga manggagawang Filipino.