MALAWAKANG PAG-ULAN, NARARANASAN SA LALAWIGAN NG PANGASINAN BUNSOD NG TYPHOON GORING

Nakararanas ang ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ng mga malakas na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog bunsod ng Typhoon Goring.
Nauna nang nakitaan ang mata noon na nasa 95 km East Northeast ng Casiguran, Aurora na may maximum sustained winds na 185 km/h habang pa-south southeastward ang bagtas nito.
Sa Dagupan City, kasabay ng naranasang mga malalakas na ulan kahapon ay ang high tide na umabot sa 3.740 ft. o 1.14m na nagdulot na mga pagbaha lalo sa mga low-lying areas.

Bagamat, walang nakataas ng wind signal sa lalawigan ay pinapayuhan pa rin ang publiko na maghanda at laging maging alerto. |ifmnews
Facebook Comments