Malawakang pagpapamigay ng mga makinarya ngayong 2021 ng DA-PHILMECH, umarangkada na

Umarangkada na ang malawakang pagpapamigay ng mga makinarya ngayong 2021 ng Department of Agriculture at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH).

Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program, libreng nakatanggap ang mga rice-based Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) sa buong probinsya ng Nueva Ecija ng mga makinarya na magagamit nila sa pagsasaka.

Sa interview ng RMN Manila kay DA-PHILMECH Director IV Baldwin Jallorina, sinabi nito na kabilang sa mga libreng ipinamigay ay ang mga four-wheel drive tractor, rice combine harvester, riding-type mechanical rice transplanter at walk-behind mechanical rice transplanter.


Maliban dito, magbibigay rin ang philmech ng mga precision seeders, hand tractors at rice mills.

Nasa 317.7 million pesos ang kabuuang halaga ng mga makinaryang ipinamigay sa 150 qualified farmer sa Nueva Ecija.

Dahil dito, inaasahan ng PHILMECH na mapababa ang production cost ng mga magsasaka gamit ang mga makinarya at maibaba ang porsyento ng mga nasasayang na ani sa pamamagitan ng mga postharvest facilities.

Ang RCEF ay naging posible dahil sa rice tariffication law na ang principal author ay si Senator Cynthia Villar.

Facebook Comments