Malawakang pagtatanim ng puno ng niyog, sisimulan ng DA kapag inaprubahan ang Coconut Trust Fund

Ipupursige ng Department of Agriculture (DA) ang malawakang pagtatanim ng puno ng niyog kapag inaprubahan na ang Coconut Farmers Trust Fund.

Nabatid na ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagbuo sa nasabing trust fund.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, kailangan nang palitan ang higit 100 milyong matatandang coconut trees sa bansa.


Pagtitiyak ni Dar na hindi pa nagagalaw ang inilaang Coco Levy Fund na nagkakahalaga ng 100 bilyong piso.

Pero kumpiyansa ang kalihim na papayagan ng Duterte Administration na gamitin ang pondo para mapakinabangan na ng 3.5 million na magsasakang nasasadlak lamang sa halaga ng copra (dried coconut kernels).

Makakatulong din ito sa modernization program sa coconut industry, kabilang ang productivity enhancement projects, social protection programs para sa mga coconut farmers, at pagpapalakas sa kooperatiba.

Ang Pilipinas ang kasalukuyang ikalawa sa pinakamalaking producer ng niyog sa buong mundo na may kabuuang 3.5 million hectares.

Facebook Comments