
Handa ang pamahalaan na magsagawa ng malawakang repatriation ng mga OFW sa gitna ng tensyon sa Middle East, kung kakailanganin.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, sa ngayon ay wala pang pangangailangan para sa mass repatriation dahil nasa Alert Level 2 pa lamang ang sitwasyon sa ilang bansa sa rehiyon.
Gayunman, may nakahanda nang plano ang pamahalaan tulad ng pagtukoy ng mga meeting points at transit points para sa mga Pilipinong nais lumikas, at isasagawa ito sa sandaling maging maayos ang biyahe at magbukas ang airspace.
Samantala, maaaring tumawag ang mga nangangailangan ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hotlines: 1348 para sa Metro Manila, 02-1348 para sa mga rehiyon, at sa Viber numbers na 0915-079-5005, 0969-169-7068, at 0966-473-9543.










