Malawakang swab testing, ipinagpatuloy sa Pasay City

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) testing sa mga residente ng Pasay City para mapanatili ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa ngayon, 113,164 na ng populasyon sa Pasay o 25.34% ang naisailalim sa RT-PCR test.

Sa huling tala ng ng Pasay City Health Office, 42 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Ang bilang naman ng mga barangay na may aktibong kaso ay 30 o 19%

Ang bilang ng barangay sa Pasay na nasa ilalim naman ng local enhanced community quarantine (ECQ) ay 45 o 22%, kung saan 22 mga bahay sa lungsod ang naka-lockdown.

Facebook Comments