Friday, March 13, 2026

Malaysian national na nagpanggap na pulis at nagbebenta ng PNP uniform, arestado sa Pasay city

Agad inaresto ng mga otoridad ang isang Malaysian national na nagpapanggap na pulis habang nagbebenta ng uniporme ng Philippine National Police (PNP) sa Pasay City.

Ayon sa Pasay Central Park Sub-Station 4, ang suspek ay si alyas “Wei,” 37, residente ng 1676 Dian St. Brgy. San Isidro, Makati City at naaresto sa Arnaiz Avenue, Brgy. 107 sa Pasay City.

Ipinagbigay alam ng isang concerned citizen ang umano’y pag-aalok ng dayuhan na bumili ng dala niyang police uniform.

Nagpakilala pang isang pulis ang dayuhan nang sitahin subalit nwala itong maipakotant kahit ano mang katibayan na nagpapatunay na otorisado siyang magbenta ng policr uniform.

Dahil dito, inaresto ng PNP ang dayuhan at kinumpiska ang bitbit niyang transparent plastic bag na naglalaman ng asul na T-shirt na may nakalagay na “PULIS” na kanyang ibinebenta.

Nahaharap ang dayuhan sa kasong paglabag sa Art. 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority) at Art. 179 o ang Illegal Use of Uniforms or Insignia sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments