Maling Sistema sa Lipunan at Gobyerno, Isang Ugat sa Pagkakapaslang ng Ilang Mamamahayag!

Cauayan City, Isabela- Mas lalo pa umanong lumala ang mga insidente ng pagpatay sa mga media matapos ang Ampatuan Massacre na nangyari pa noong Nobyembre bente tres, taong dos mil nuwebe kung saan tatlumpu’t apat na mamamahayag ang napatay sa naturang Massacre.

Ito ang inihayag ni Director Nonoy Espina ng National Union of Journalist of the Philippines sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Ayon kay NUJP Director Espina, nitong nakaraang lunes lamang ay isa nanamang mamamahayag ang pinagbabaril ng mga Riding in Tandem sa Dumaguete City, Negros Oriental na kinilalang si Edmund Cestoso, isang block time anchor ng RMN Dumaguete.


Inihayag ni NUJP Director Espina na nasa Sistema lamang umano ng lipunan at gobyerno ang ugat sa mga problema na may kaugnayan sa mga pagpatay sa mga mamamahayag.

Ayon pa kay Director Espina, ginagampanan lamang umano ng mga mamamahayag ang kanilang responsibilidad na ipahayag ang mga isyung dapat malaman ng lipunan na nagyayari sa bansa.

Dagdag pa niya, Kung may nalagas na buhay ng isang mamamahayag ay siya ring paglagas ng mga impormasyong dapat malaman ng lipunan kaya’t pwede pa umanong palitan ang Sistema sa bansa kung makikipagkaisa ang taumbayan na makipagtulungan sa mga ganitong insidente.

Facebook Comments