Manila, Philippines – Bukod sa suplay ng kuryente, problemado na rin ngayon sa pagkukunan ng malinis na tubig ang mga naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, kasama din sa mga naapektuhan ang mga ilog kung saan sila kumukuha ng tubig..
Hindi na rin aniya mapapakinabangan ang lumalabas sa mga gripo dahil madumi o parang putik na ito.
Samantala, pag-uusapan naman ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Ormoc kung ide-deklara na ang state of calamity.
Kinumpirma din ni Gomez na naghahanap na sila ng permanenteng relokasyon sa mga residente ng apat na barangay na sapilitang inilikas dahil sa lindol.
Nabatid na aabot sa 500 bahay ang totally na-damaged sa lungsod.
Facebook Comments