Pumalpak ang isang ambush attempt kay House majority leader Congressman Rolando Andaya Jr. sa Brgy. Cadlan, Pili, Camarines Sur kahapon.
Sa report ng PRO-5 na nakarating sa Camp Crame, ang tangkang pananambang ay naganap kahapon ng alas-3 ng hapon malapit sa Civil Service Commission sa Bayan ng Camarines Sur.
Sa report, isang suspek na kinilalang si Ray John Musa , 26 anyos, miyembro ng Capitol Complex Security Unit, at residente ng Brgy. Himaao, Pili, Camarines Sur ang namataang umaaligid malapit kay congressman Andaya.
Nagtangkang bumunot ng baril sa kanyang baywang ang suspek pero, nabitawan niya ang baril at nahulog ito sa loob ng kanyang maluwag na pantalon.
Agad napansin ng close-in Security in congressman Andaya na si retired PCI Samuel Alforte at ni Lupi Mayor Roberto M. Matamorosa ang suspek at pinigilan nila ito.
Nakuha mula sa suspek ang isang .38 Smith and Wesson revolver na Walang serial number na kargado ng limang bala.
Ang suspek at nakumpiskang baril ay itinurn over sa rumespondeng pulis na si PO3 Renan Bongalon, na naka-duty sa COMELEC Camarines Sur office.