Cauayan City, Isabela – Malaki ang negatibong epekto ng train law sa mga magsasaka, negosyante at mga traysikel operators dito sa lalawigan ng Isabela, ayon sa konsultasyo ni Senator Bam Aquino.
Sa personal na panayam ng RMN Cauayan, aniya ang pag-sadya niya dito sa Isabela ay kabahagi umano sa regular na konsultasyon na ginagawa ng kanyang pamunuan sa pagsusulong ng panukala o adbokasiyang pagsuspinde sa train law lalo na sa excise tax ng gasolina at kerosene.
Sinabi pa ni Senator Aquino na sa naging konsultasyon sa mga magsasaka ay lumabas na malaki ang presyo ng farm inputs dahil sa transportation cost at mabigat ang sitwasyon ng mga magsasaka kapag naging makina ang lahat kung saan ay mawawalan na ng trabaho ang karamihang magsasaka.
Kabilang din umano sa presyo ng mga produkto ng mga negosyante o market vendors na malaki rin ang transportation cost, at sa mga traysikel operators naman ay randam ang malaking pagtaas sa presyo ng gasolina.
Samantala, si Senator Bam Aquino ay Chairman on Senate Committee on Science and Technology at mahigpit na nagsusulong sa pagsuspindi ng train law.