City of Ilagan, Isabela – Pormal nang nagsimula ngayong araw ang selebrasyon ng Mammangi Festival kung saan ngayong araw ay isinagawa ang Aggaw Na Ilagan o araw ng pagiging lungsod ng Ilagan.
Sa naging pahayag ni Sangguniang Panlungsod JayEverson Diaz ng City of Ilagan, aniya bawat araw ng Mammangi Festival ay may mga pangunahing aktibidad kung saan ngayong araw ay pangunahing isinagawa ang 1st National Scientific Forum on Corn Production and Utulization na ginanap sa Cagayan Valley Research Center sa Barangay San Felipe, City of Ilagan.
Sinabi pa ni SP Diaz na bibigyaan daan din ang Mammangi Trade Fair & Bazaar kung saan pangunahing bisita dito ang Regional Executive Director ng Department of Agriculture na si Dr. Lorenzo M. Carangian.
Makikita umano sa Trade Fair ang ibat ibang agricultural products ng buong lalawigan ng Isabela.
Samantala, dahil sa bakasyon at summer na ay isasabay na sa pagbubukas ng Aggaw na Ilagan ang Operation Tuli o Dulog at Dinig Outreach Program sa Ilagan Community Center.
Bukas ay Aggaw Na Kabataan at sa mga susunod na araw ay Aggaw Na Bummarangay, Aggaw Na Abbarabbing at sa Mayo otso ay gaganapin ang Professional Regulations Commission (PRC), Regional New Face of the Year at Four of Spades live concert sa Ilagan Community Center.