Manager ng isang restaurant sa Makati at isang crossfit trainer sa Malate arestado sa paggamit ng iligal ng droga sa beach party sa Oriental Mindoro.

Inaresto ng mga tauhan ng Puerto Galera Municipal Police station at PDEA ang isang lalaking manager ng isang restaurant sa Makati matapos na makuhaan ng iligal na droga habang nakikiisa sa selebrasyon ng Malasimbo festival na ginagawa sa white beach, barangay San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Ayon kay PNP Mimaropa spokesperson police Col Socrates Fataldo ang suspek ay kinilalang si Kaye Librado Maru, 29 anyos residente ng 36g Legazpi Village, Makati.

Maghahating gabi nitong sabado nang maaresto ang suspek matapos ang ikinasang anti-illegal drugs operation ng PNP at PDEA sa lugar.


Nakuha sa suspek ang isang capsule na naglalaman ng kulay brown na hinihinalang ecstasy.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng PNP Puerto Galera ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso.

Sa kapareho ring selebrasyon o beach party ay inaresto rin ng mga pulis at taga PDEA ang isang crossfit trainer na kinilalang si Kris Sy Ong 35 anyos residente ng Adriatico Street. Malate, Manila.

Nakuha sa suspek ang isang maliit na transparent plastic sachet na may laman ng hinihinalang marijuana.

Sa ngayon nanatili rin sa kustodiya ng PNP Puerto Galera ang suspek at mahaharap sa kaso.

Ayon kay Police Col. Fataldo ang malasimbo festival ay tatlong araw na ipinagdiriwang taon-taon sa lugar, isang Hubbert D. Aboville ang organizer ng event.

Batay sa nakukuhang report ng PNP taong 2011 pa nila namomonitor na ang event na ito ay pinupuntahan ng ilang indibidual at nagdadala ng iligal na droga.

Facebook Comments