Manager ng isang supermarket, minartilyo ng dumaang lalaki

(pixy.org logo image)

MANHATTAN, New York – Pinalo ng martilyo ng isang hindi kilalang lalaki ang manager ng supermarket na noo’y nagbubukas lang ng tindahan.

Ayon sa ulat ng Manhattan police, bandang alas 6:20 am nang magbukas ang manager na kinilalang si Ramon ng kanyang supermarket nang biglang sumugod ang hindi kilalang suspek.

Walang anu-ano ay bigla raw pinalo sa mukha si Ramon ng lalaki gamit ang dala nitong martilyo.


Tumakbo ang suspek dala ang cellphone ng biktima ayon sa mga empleyadong nakasaksi.

Hinala ng isang nakakita, maaaring kinuha ng suspek ang telepono ng biktima dahil nagtangka itong kuhanan ang sumugod na lalaki.

Samantala, naisugod naman sa Bellevue Hospital si Ramon at kasalukuyang nagpapagaling.

Facebook Comments