Manila, Philippines – Mahigit 500 barangay official ang binabantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong bansa na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, nasa listahan ng inter-agency task force at intelligence watch list ang mga barangay officials na kanilang sinusubaybayan.
Aniya, 289 na mga pangalan ng mga opisyal ng barangay ang nakatala sa inter-agency task force habang 274 naman ang nasa intelligence watch list na beniberipika pa.
Facebook Comments