Manila, Philippines – Kakasuhan na ng Department of Social Welfare and Development ang madrasta na nag-viral kamakailan dahil sa panggugulpi sa tatlong taong gulang na batang babae sa Dasmariñas, Cavite.
Kasong paglabag sa r.a. 7610 o special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act ang kakaharapin ng suspek.
Bukod dito, ayon kay DSWD Acting Sec. Virgina Orogo – tutulungan din nila ang bata sa kanyang pangangailangan at gastusin gayundin ang bayarin nito sa ospital.
Nasa pangangalaga na ng lola ang bata kung saan napagkasunduan na pwede lang siyang bisitahin at hiramin ng kanyang ama.
Nabatid na anim na buwang gulang pa lang ang bata nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, at mula noon ay nakaranas na ito ng pagmamalupit sa kanyang stepmother.