Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi tataas ang presyo ng mga processed food products sa harap narin ng pagtama ng Bayong Ompong sa bansa.
Sa Briefing ng DTI sa Malacañang, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na batay sa kanilang pakikipagpulong sa samahan ng mga gumagawa ng processed food ay umayong ang mga ito na walang magagnap na pagtaas ng presyo ng mga delatang sardinas, kape, bottled water, corned beef at iba pa.
Pero inihayag ni Castelo na ibang usapin ang mga agricultural products dahil hindi ito sa kasama sa kanilang hurisdiksyon at ito ay nasa ilalim o control ng Department of Agriculture.
Paliwanag ni Castelo, inaasahan nila na maaapektuhan ang mga agricultural products sa oras na manalasa ang malakas na bagyo kaya hindi maiiwasan na tumaas ang presyo nito sa merkado.
Tiniyak din naman ni Castelo na may sapat na bigas ang bansa sa harap narin ng paghagupit ng bagyong Ompong na inaasahang makakaapekto sa palayan sa ilang bahagi ng bansa.