Pamahalaang lokal ng Taguig, nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha

24

Inihayag ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Taguig na nakikiisa ito sa mga kakabayan nating Muslim sa pagdiriwang ngayong taon ng Eid Al-Adha.


Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, isa ito sa mga importanteng petsa sa pananampalatayang Islam.

Sa kanyang mensahe, ipinanawagan niya na magdasal nang taimtim upang maging ligtas habang patuloy ang paglaban ng bansa sa COVID-19.

Kasabay nito, muli niyang ipinaalala sa lahat na kailangan sundin ang health protocols kagaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at pag-iwas sa mga salu-salo habang umiiral pa rin ang banta ng virus.

Ngayong araw, idineklara ng national government sa buong bansa ang regular holiday bilang pagdiriwang ng Eid Al-Adha, isang taonang religious activity ng mga Muslim.

Facebook Comments