Manila, Philippines – Naghain ang Makabayan sa Kamara ng House Joint resolution #22 para bigyang mandato ang implementasyon ng pamamahagi ng 2nd Tranche ng SSS Pension Increase.
Nakapaloob sa resolusyon ang pagsunod sa nakatakdang pagbibigay ng dagdag na P1,000 na pensyon ng mga retiradong myembro ng SSS sa Enero 1, 2019.
Ayon sa mambabatas, dumarami ang mga pamilya at mga pensyonado na dumaraing matapos ihayag ng SSS na hindi muna ibibigay sa susunod na taon ang dagdag na pensyon at posible pang dagdagan ang kontribusyon para mapalawig ang fund life ng SSS.
Marami aniyang mga SSS retirees ang umaasa sa dadag na pensyon sa susunod na taon dahil malaking tulong ito para sa pambili ng gamot at para na rin makaagapay sa dulot na epekto ng TRAIN.
Kung hindi aniya magagawan ng paraan ng SSS ang pangakong dagdag na pensyon ay hindi nito nagagampanan ang tungkulin na pagibigay ng Basic Economic Security sa publiko.