MANDATORY | BOC, pinagsusumite ang mga airline at shipping lines ng advance cargo manifest

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Bureau of Customs (BOC) ang mga airline at shipping lines ng advance cargo manifest.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) 6-2018 na epektibo noong May 7, inoobliga ni Commissioner Isidro Lapeña ang pagsusumite sa pamamagitan ng pdf file ng advance manifest, bill of commercial invoice, packing list, storage plan at iba pa sa advanced manifest system ng BOC.

Ayon kay Lapeña, layunin nitong mapaganda ang takbo ng kalakalan at maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga iligal at mapanganib na kargamento.


Ang cargo manifest o Inward Foreign Manifest (IFM) ang naglalaman ng mga kargamento sa loob ng mga eroplano at barko kabilang ang impormasyon tulad ng consignors at consignees.

Facebook Comments