Mandatory inter-LGU joint disaster drill, inihain sa Senado

Naghain si Senador Francis Tolentino ng isang panukalang batas para palakasin ang local government units sa paghahanda at pagtugon sa natural disaster sa pamamagitan ng mas detalyadong coordination framework sa pagitan ng local chief executives.

 

Ayon kay Tolentino, hindi masyadong maganda ang kasalukuyang draft hinggil sa kumprehensibong plano para sa lgus sa evacuation at post recovery operations na nakita sa pagsabog ng Taal volcano kamakailan.

 

Layunin din ng panukala na bumuo ng inter-local government unit response mechanism kung saan kasama dito ang paghahanap at pagtayo ng permanenteng evacuation center, safe refuge zone, evacuation routes at assembly points.


 

Nakatakda din sa panukala na magbigay ng evacuation transport at accommodation para sa tao at mga alagang hayop naapektuhan ng mga kalamidad.

 

Nakasaad din sa panukala na bibigyan ng kapangyarihan ang lgus na gamitin ang pribado o komersiyal na gusali bilang evacuation center o safe zone.

Facebook Comments