Nagbabala ang Municipal Health Office (MHO) ng Mangaldan ukol sa Nipah virus, isang mapanganib at posibleng nakamamatay na sakit na mula umano sa fruit bats o paniki, partikular sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain.
Ayon sa tanggapan, ang sakit ay hindi ganoon kabilis kumalat gaya ng COVID‑19, ngunit madalas ito ay nagdudulot ng malubhang sintomas tulad ng pamamaga ng utak o encephalitis.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag lalo na sa mga prutas na maaaring kontaminado ng paniki bago ito kainin.
Kasabay ng paalal,tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na wala pang natutukoy na aktibong kaso ng Nipah virus sa Pilipinas ngunit patuloy nilang pinapalakas ang monitoring sa mga border at paliparan upang maiwasan ang pagpasok nito sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








