MANGATAREM BREEDING STATION, BALAK GAWING MODEL AGRICULTURE SITE

Balak gawing isang model agriculture site ang Mangatarem Breeding Station ng pamahalaang panlalawigan kung saan daan-daang farm at poultry animals ang aalagaan.
Dito ay uumpisahan rin ang green canopy program kung saan tataniman ang buong paligid ng mga puno.
Ang programa ay inaasahang makatutulong sa mga magsasaka pati sa pagpapalago ng agrikultura ng probinsiya.

Kaya naman, nagsagawa ng occular inspection sa Station ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Provincial Administrator Melicio F. Patague II sa Mangatarem Breeding kung saan layon nilang makita ng aktwal at matingnan ang mga pangangailangan ng pasilidad.
Bumisita rin ang Prov’l Health Office at magbigay naman libreng checkup at consultation sa mga empleyado ng Prov’l Agriculture at Veterinary Field Office. |ifmnews
Facebook Comments