Friday, March 13, 2026

MANGATAREM MPS NAGSAGAWA NG FUEL PRICE MONITORING SA MGA GASOLINAHAN

Nagsasagawa ng patuloy na pagmomonitor sa presyo ng gasolina ang mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang gasolinahan sa kanilang nasasakupan.

Pinangungunahan ni PMAJ Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police, ang naturang aktibidad upang matiyak na ang mga produktong petrolyo ay ibinebenta sa tama at itinakdang presyo, lalo na kasunod ng kamakailang pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Mangatarem MPS, layunin ng monitoring na mabantayan ang posibleng sobrang pagtaas ng presyo ng gasolina at maprotektahan ang mga mamimili.

Tiniyak din ng pulisya na magpapatuloy ang kanilang inspeksyon upang matiyak ang pagsunod ng mga gasolinahan sa umiiral na batas at regulasyon kaugnay ng fuel prices. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments