Mangingisda, Hinampas ng Alon sa Karagatan ng Batanes; Search and Rescue, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Mas pinaigting ngayon ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, LGU Itbayat, PNP, Philippine Marines, at Philippine Coast Guard sa ginagawang search and rescue operations para mahanap ang isang mangingisda na napaulat na nawawala sa karagatan ng Batanes.

Kinilala ang nawawala na si Cleto Elento, 54-anyos, at residente ng Itbayat.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, aksidente itong nahampas ng malaking alon habang nangingisda sa karagatang sakop ng Sitio Vahay, Brgy. Sta. Lucia, Itbayat nitong nakaraang linggo.


Naglayag na rin sa karagatan ang mga tauhan ng M/B Veronica at dalawang fishing boats para tumulong sa Search and Rescue subalit bigo silang makita ang katawan ni Elento.

Samantala, hiniling na ni Governor Marilou Cayco ang tulong ng AFP-Northern Luzon Command sa pamamagitan ng Naval Forces for Northern Luzon para magsawa na rin ng aerial search.

Sa ngayon, nagpapatuloy rin ang paglalayag ng FF150 BRP Jose Rizal Navy Ship sa palibot ng karagatan ng probinsya para sa posibleng pagtunton sa katawan ng mangingisda.

Facebook Comments