Mangingisda, patay matapos nahulog sa bangka dahil sa sobrang kalasingan

76

Manila, Philippines – Kamatayan ang sina­pit ng isang lalaking mangingisda
matapos nahulog sa bangka dahil sa sobrang kalasingan habang naglalayag sa
patungo sa pantalan ng brgy. San pedro sa lungsod ng pagadian.

Kinilala ang biktima na si arnesto suminda 37-anyos, at residente ng brgy.
Mati, san miguel, zamboanga del sur.

Sa report ng pnp pagadian, umabot sa halos sampung minuto ang paghahanap ng
mga kasamahan nito hanggang nakitang wala ng buhay.

Ipinaalam na sa kanyang pamilya ang sinapit ng biktima.

Facebook Comments