Mangingisdang Pumalaot sa Karagatan noong Bagyong Maring, 1 Patay, 1 Missing

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang ginawang paghahanap ng mga rescuers sa isang mangingisda na napaulat na nalunod noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Maring sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pumalaot noon ang mag-amang sina Rodrigo Collado, 59-anyos at Jerry Collado, 37-anyos na kapwa residente ng Brgy. Patunungan, Sta. Ana partikular noong October 10 hanggang sa hindi na nakauwi sa kanilang mga tahanan.

Una nang natagpuan ang bangkay ng nakatatandang Collado na palutang-lutang sa karagatan matapos saklolohan ng mga tauhan ng MDRRMO, Philippine Coast Guard at PNP sa bahagi ng Baraibi Point sa Barangay Patunungan.


Samantala, nananatiling missing pa rin ang nakakabatang Collado hanggang ngayon.

Tatlo na ang kumpirmadong patay dahil kay Bagyong Maring habang nakapagtala rin ang probinsya ng 19 na partially damaged at anim (6) na totally damage na kabahayan dahil sa naturang bagyo.

Facebook Comments