Friday, March 13, 2026

MANGROVE PLANTING PARA SA WOMEN’S MONTH 2026, ISINAGAWA NG PRO 1

Nakiisa ang mga tauhan ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa isang mangrove planting activity sa Bakawan Eco-Tourism Park sa Bauang, La Union bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2026.

Isinagawa ang aktibidad katuwang ang Bureau of Fire Protection, ang Lokal na Pamahalaan ng Bauang sa pangunguna ni Mayor Ma. Clarissa Bong Lee, at ang Soroptimist International na pinamumunuan ni Mrs. Leticia O. Cruz.

Layunin ng programa na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, proteksyon sa baybayin, at pagpapalakas ng papel ng kababaihan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng komunidad.

Nagtanim ang mga kalahok ng mga punla ng bakawan sa baybaying bahagi upang makatulong sa pagpapanumbalik ng marine ecosystem at pagpapalakas ng depensa laban sa mga panganib sa kalikasan.

Ayon sa PRO 1, ipinapakita ng aktibidad ang patuloy na suporta ng kapulisan at mga katuwang na ahensya sa mga programang pangkalikasan habang kinikilala ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng isang mas ligtas at mas napapanatiling kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments