Manhunt Charlie mas pinalakas ng Maguindanao PNP

28

Arestado ng mga otoridad ang dalawang wanted person sa ikinasang magkahiwalay na operasyon kahapon

Sa Shariff Aguak isang barangay kapitan na nahaharap sa kasong attempted murder ang naaresto sa operasyon na pinangunahan ni Shariff Aguak COP CIns Armando Liwan

Kinilala ang suspect na si Barangay Inaladan, Shariff Saydona Mustapha Chairperson Basit Mama Taguigaya, 38 years old.

Naaresto si Taguigaya sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion kahapon ng tanghali sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni RTC Branch 15 Judge Alandrex Betoya.

Samantala, sa bayan ng Sultan Kudarat arestado ang isang driver na nahaharap rin kasong frustrated murder

Kinilala ni Sultan Kudarat Chief of Police, Chief Inspector Julhamin Asdani ang suspect na si Idzrafil Indara Kamdan, 27 years Barangay Dalumangcob.

Naaresto si Kamdam matapos ang ilang taong pagtatago sa batas at sa oerasyon ng PNP bitibit ang warrant of arrest na inilabas ni Acting Presiding Judge Hon. Bansawan Ibrahim ng RTC Branch 13 sa Cotabato City.

Sa ngayon nakakulong na sa detention cell ng Shariff Agauak at Sultan Kudarat PNP ang mga suspek.

Ang mas pinalakas na operasyon ng otoridad kontra sa mga nagtatago sa batas ay bunsod pa rin sa Manhunt Charlie ng PNP .

Facebook Comments